Ang Kuwento ni Mabuti
Ni Genoveva Edroza-Matute
Ni Genoveva Edroza-Matute
http://www.interaksyon.com/assets/images/articles/interphoto_1353313778.jpg
Sa pagtalakay namin, unti-unting nalalaman ng mga mag-aaral kung patungkol saan ang kuwentong aming tatalakayin. Nakilala nila kung sino si Mabuti. Siya ay isang pangkaraniwang guro sa isang paaralan. Mabuti ang tawag sa kanya ng mga mag-aaral sa tuwing siya ay nakatalikod dahil anumang salita ang lumalabas sa kanyang bibig ay nilalagyan niya ito ng salitang "mabuti" at ito man ay pamalit na ginagamit niya sa mga salitang kalimitan n'yang nakakalimutang sabihin.
Ang kuwento ay umiikot kay Mabuti at sa isang mag-aaral na naging interesado sa buhay na mayroon siya dahil katulad niya ang kanyang guro rin pala ay may pinagdadaanang problema na taliwas sa ipinakikita niyang lakas, kasiyahan, pananalig at pagkakaroon ng positibong pananaw sa kanilang silid-aralan. Hindi kakikitaan ng kahit anumang bakas ng kalungkutan at problema ang kanyang guro.
Nais ng mag-aaral na tulungan din ang kaniyang guro katulad ng ginawa nito sa kaniyang noong makita siya ni Mabuti na umiiyak sa silid-aklatan, ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakataon na malaman ito.
Sa kabila ng suliraning pinagdadaanan ni Mabuti hindi siya nagpapaapekto rito, tinuturuan pa rin niya nang buong sigla ang kaniyang mag-aaral at "ipinamamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin sa panitikan. Ang kariktan ng katapangan; Ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay."
Sa kabila ng suliraning pinagdadaanan ni Mabuti hindi siya nagpapaapekto rito, tinuturuan pa rin niya nang buong sigla ang kaniyang mag-aaral at "ipinamamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin sa panitikan. Ang kariktan ng katapangan; Ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay."
Sa wakas ng kuwento ay natuklasan ng mag-aaral ang lihim na itinatago ni Mabuti at doon niya naunawaan ang lahat.
"...ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay, at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat."
Sa pagtatapos ng aming pagtalakay sa aming aralin ay naisipan kong magpanood ng isang video (I-witness documentary) na kakikitaan ng pagpapahalaga sa mga gurong katulad ni Mabuti na hindi lamang nagtuturo nang mabuti kundi ipinapakita sa kanyang mag-aaral ang pagpapahalaga sa buhay at ang magkaroon palagi ng positibong pananaw sa kabila ng suliraning kanyang pinagdadaanan. At upang maipakita rin ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng isang guro sa lipunan.
Katulad ng gawaing aking ipinagawa sa aking mga mag-aaral ay magsusulat din ako ng repleksyon bilang isang guro patungkol sa video na aming pinanood na iuugnay sa akdang aming tinalakay. Naririto ang video kung nais mo ring panoorin at maaari ka rin namang magbigay o mag-iwan ng komento sa blog na ito maaaring bilang mag-aaral o guro man.
Guro, puso hindi yeso
![]() |
Mga Guro at mag-aaral mula sa Pegalongan Elementary School http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2013/11/2013_11_08_15_48_55.jpg |
Kapag sinabi nating guro ang unang pumapasok sa ating isipan ay isang taong tagapagbahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral. Tanging yeso, pisara, aklat ang sandata nila sa hamon ng pagiging isang guro. Lahat tayo ay pwedeng maging guro ngunit mahirap ang maging mahusay at mabuting guro.
Isa na marahil sa pinakamalaking pagsubok sa larangan ng pagtuturo ang magturo sa isang paaralang malayo sa kabihasnan. Kung saan bago ka makarating sa paaralan ay kinakailangang akyatin mo ang limang bundok at tawirin ang ilang ilog.
Sa aking panunuod nakita ko ang dedikasyon ng walong gurong nagtuturo rito para lamang maturuan ang mga mag-aaral. Hindi nila alintana ang pagod, init at ang hirap na kanilang pinagdadaanan. Ang mahalaga sa kanila ay ang makitang natututo at umuunlad ang kumunidad na kanilang pinagtuturuan.
Tinitiis nila ang malayo sa kanilang pamilya alang-alang sa mga batang naghihintay sa kanila sa bundok. Bagamat tutol ang kanilang pamilya rito ay pinipili pa rin nilang dito magturo dahil nakikita nila na may potensyal ang mga bata at kailangan na may gumabay sa kanila upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Katulad ni Mabuti na nakinig at nagbigay ng payo sa isang mag-aaral sa suliraning kanyang pinagdadaanan at ang pagpapaunawa niya sa kagandahan ng buhay sa kanyang mag-aaral ganoon din si Sir Randy. Hindi lang palaging yeso ang hawak-hawak nya't ginagamit sa pagtuturo bagkus nagtuturo siya ng galing sa puso, tumutulong siya ng bukal sa kanyang puso at ipinapakita o ibinabahagi rin niya kung gaano kahalaga ang makatapos sa pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap.
"Hindi na lamang isa ang mukha ng isang teacher, kasi ang teacher puwede kang maging engineer, puwede kang maging doktor kasi kapag walang medicine dito sa community kami yung nagpo-provide, pwede kang maging parents nila, yung pagiging engineer mo hindi ka lang nagbi-build ng building nagbi-build ka rin ng character atsaka attitudes ng values ng mga bata." (Randy Halasan, Punong-Guro ng Pegalongan Elementary School)Kapag ikaw ay nasa larangan na ng pagtuturo hindi ka lang basta-basta isang teacher, hindi lang pagtuturo ang magiging papel mo sa paaralan kundi lahat ng propesyon ay maaaring maging papel mo rin. Hindi ka lang nagbabahagi ng kaalaman kundi itinuturo mo kung paano maging mabuting mamamayan ang mga bata na makatutulong sa pagpapaunlad ng bayang kanilang pinanggalingan.
Isang napakalaking responsibilidad ang nakapatong sa balikat ng mga gurong nagtuturo sa paaralan na ito. Kung hindi sila nagtuturo at nagtatrabaho ng galing sa kanilang puso marahil ay hindi sila magtatagal dito. Isa silang inspirasyon sa mga nais pumasok sa larangan ng pagtuturo at sa aming guro na upang paghusayan pa naming lalo ang pagtuturo upang maging daan sa pag-abot ng pangarap ng mga mag-aaral.
Ako ay sumasang-ayon sa iyo ma'am. Magkaiba ang pagiging magaling na guro sa pagiging mabuting guro, ang magaling na guro ay maaaring ituro ang lahat gamit ang isipan ngunit mas maigi kung mabuti ang isang guro magtuturo siya gamit ang kaniyang puso. Tulad ni Mabuti ako ay isang guro na nagtuturo sa mga mag-aaral na lubos na pinapahalagahan ang pagkatuto ng mga guro gamit ng kanilang puso. Mas lalong matututo ang mga mag-aaral kung mararamdaman nila ang kabutihanng puso ng guro. Sa dedikasyon at talino kasama ang puso mapapaunlad natin ang isipan pati ang kabuuan ng pagkatao ng isang bata. Sa kuwento ni mabuti lalo kong napahalagahan ang pagtuturo kailangan ang puso di lang puro nguso. Masarap sa pakiramdam na ma touch natin ang buhay nila di lang basta teach. We touch their hearts while teaching their minds.
TumugonBurahinJANICKA ROME B. NABONG (7-Faith)
TumugonBurahinAng pagiging guro ay hindi isang simpleng bagay. Ginagawa nila ang lahat upang makapagturo sa mga batang nais matuto. Nagsasakripisyo sila para sa mga mag-aaral. Hindi nagiging hadlang sa kanilang mga guro ang anumang problemang kanilang pinagdadaanan. Si Mabuti ay isang mabait at mapagmahal na guro sa kanyang mga estudyante at ina sa kanyang isang anak na babae. Nagawa n'yang magsinungaling sa kanyang anak pero alam niyang para iyon sa ikabubuti nito. Iniisip nating lahat kung paano nagagawang magturo ni Mabuti ng maayos at masigla sa kanyang mga estudyante. Ito ay isang halimbawa, hindi natin dapat dinadala sa trabaho o paaralan ang ating problema dahil wala din namang mangyayari. Maganda ang ginawa ni Mabuti na kinausap niya ang isa sa kanyang mag-aaral dahil kahit papaano ay nakatulong siya rito. Minsan iniisip ko kung paano maging isang guro pero dahil sa akdang aming tinalakay, sa video clip na aming pinanuod, at sa tulong na rin ng aming guro ay nalaman ko kung paano maging guro, ito ay isang mahirap na trabaho pero napakalaki ng tulong sa mga kabataan. Madalas hindi na nakakakain ang mga guro dahil sa sobrang dami ng kanilang trabaho. Pero saludo ako sa mga guro dahil hindi sila sumusuko sa lahat ng pagsubok na dumarating sa kanila.
JOHN ROD S. CUNANAN (7-Faith)
TumugonBurahinNapakahirap pala ng trabaho ng isang guro dahil iba’t ibang papel ang kailangan nilang gampanan. Gaya ni Mabuti na hindi hadlang ang sikreto sa kanyang pagtuturo dahil kahit ilan man ang sikreto niya hindi siya sumusuko at hindi niya ipinapakita na siya ay may problema dahil kailangan niyang gampanan ang kanyang pagtuturo gaya ng ipinakita sa video clip. Kahit ilang mang bundok, ilog o sapa ay kanilang tatawirin para makapagturo lamang sila. Ang guro ay hindi lamang magaling kundi napakabuti rin nila kaya sana mahalin natin ang mga guro dahil sila ang pangalawang ina at kung walang guro walang mga nars, doctor, abugado atbp. Kaya dapat natin silang galangin dahil sila ay napakasipag ,matiyaga at mabuting ina sa atin. kaya magpasalamat tayo dahil sila ay napakasipag na guro at sila ay mga bayani na nakapaglilingkod sa ating bayan.
Tunay ngang hindi matatawaran ang busilak na kalooban ng isang guro. Handa nilang ialay ang kanilang buhay upang wasakin ang kamangmangan. Tunay na sila ay bayani, bayaning susi sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan ang bawat kabataan. Nakaka-encourage po ito. Thanks po!
TumugonBurahinJobelle T. Manansala (7-Faith)
TumugonBurahinLahat naman ng guro ay magaling magturo. Kahit isa lang ang ilaw nila patuloy pa rin ang kanilang pagtuturo at malayo ang paglalakbay nila bago makarating sa paaralan. Doon sa Davao Elementary School at High School yung mga bata ay nagmamadaling umuwi sa kani-kaniyang tahanan pagkatapos ng klase dahil mahirap ang gabihin sa daan. Tulad ni Mabuti na isang guro na nagtuturo sa mga mag-aaral at lubos na pinahahalagahan ang pagtututo sa mga bata. Mas lalong matututo ang mga mag-aaral kung mararamdam nila ang kabutihan ng puso ng isang guro. Si Randy ay mabait na tao. Gaya ng video kahit ilan mang bundok, ilog o sapa ay kanilang tatawirin para makapagturo lamang sila. Sa Davao ay mga lalaki lang ang mga nagtuturo pero sa Macabebe High School,M acabebe Elementary School o iba pa may mga lalaki ,babae nagtuturo pero sa Davao walang babaeng nagtuturo dahil sa malayo ang lugar at delikado para sa mga babae. Kahit na malayo sila sa kanilang pamilya patuloy pa rin sila sa pagtuturo. Ang pagiging guro ay hindi isang simpleng bagay. Ginagawa nila ang lahat upang makapagturo sa mga batang nais matuto. Magpasalamat tayo dahil sila ay napakasipag at napakabuting guro.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinTotoo ngang "teaching is a work of heart" :) Ang pagtuturo ay hindi trabaho, ito ay isang bokasyon. Sabi nga nila kung mahal mo ang ginagawa mo hindi ka mapapagod, hindi ka magsasawa. Ang mga guro para yang mga sundalo, sumusugpo rin ng mga rebelde... rebelde sa paaralan, magulang at rebelde sa lipunan. Kaya totoong isang gurong may malaking puso lang ang may kakayahang humarap at tumulong sa mga ganitong klaseng mamamayan ng lipunan.. :) Kakaiba talaga magmahal at magmalasakit ang mga guro... selfless! :)
TumugonBurahinMaraming Salamat po sa Blog na ito. Dahil bilang isang guro hindi ka lamang nagtuturo o nagbabahagi ng mga kaalaman sa mga mag-aaral bagkus hinuhubog ang kanilang pagkatao upang maging isang mabuting mamamayan hindi lang din ito maging ikaw ang siyang nagbubukas ng pintuan upang ang kanilang mga pangarap ay kanilang makamit. Mahirap ang resposibilidad ng isang guro ngunit kaakibat nito ay ang saya na iyong makikita sa mga mag-aaral na kagaya ng nasa video na kahit ilang bundok pa at ilang ilog pa ang iyong daraanan ay hindi hadlang upang makahubog ka ng isang kabataan na punong puno ng pangarap sa buhay.
TumugonBurahinMay mga pagkakataong, mismong mga guro ay may kanya kanyang maskara sa mukha upang itago ang tunay na nadarama. Isang bagay na kahit sila ay mahirapan basta makatulong sa mga mag-aaral ay kaya nilang gawin. Isinasantabi ang mga negatibong bagay para sa nakararami. Isang malaking pagsang-ayon para sa akin ang nakasulat sa artikulo dahil tagos sa puso ang bawat salita at masinsinang nakaukit kada emosyong nadarama. Kapanatagan ng loob ang isang bagay na mahihinuha kapag ikaw ay nasa kamay ng isang guro dahil sa kanilang mga mapagpalang kaalaman na ibinabahagi sa mga mag-aaral.
TumugonBurahin"Guro, puso hindi yeso"- isang sambit na kahit sino man ang makakabasa ay sapul sa puso. Hindi lamang puro salita and pagtuturo kundi may kasama itong puso sapagkat naisasabuhay angisang aralin kung ito ay makatotohanan at hindi pilit. Mahirap makamtam ang isang bagay kung hinog sa pilit, kaya nga ang mga experyensadong guro ay mga kakayahang magampanan ang kanilang tungkulin kahit gaano pa ito kahirap pagdaanan. Hindi yeso ang kanilang sandata, kundi ang pinanday na puso ng isang dakilang propesyon.
Ang buhay ng guro ay di natatapos sa apat na sulok ng silid-aralan, madalas ay mas higit sa pagtuturo ang nagiging trabaho ng isang guro dahil nakasalalay ang kinabukasan ng mga kabataan.
TumugonBurahinNapakahirap palang maging guro dahil iba’t ibang karanasan ang kanilang nararanasan.Gaya ng mga guro sa mga malalayong mga lugar kahit na ilang bundok at ilog ang kanilang tatawirin ipinagpapatuloy pa rin nila ang kanilang pagtuturo. Kahit anong peligro ang kanilang mararanasan sa buhay tuloy parin ang pagtuturo sa mga tribo. Ang mga guro ay nakararanas din naman ng problema hindi lamang nila ipinapakita sa kanilang mga mag-aaral upang hindi makaapekto sa kanilang pagtuturo. At ang guro hindi lamang magaling, kundi sila man ay may malawak na pang-unawa. Sana ay mahalin, respetuhin at pahalagahan natin ang mga guro.dahil sila ang pangalawang ina natin. .At kung walang guro walang nars, doktor, abogado at iba pa sana naman kung tatanda na tayo huwag natin silang kalilimutan. Kaya magpasalamat tayo sa mga ating guro dahil hindi naman binabayaran ang pagtuturo nila at maituturing din natin silang mga bayani kasi naglilingkod sila nang maayos sa ating bayan.
TumugonBurahinHindi madali ang trabaho ng isang guro tulad ng ipinakita sa video dahil ilang bundok at ilog ay kanilang tatawirin para lang makarating sila sa kanilang paroroonan. Isasakripisyo nila ang kanilang sarili para lang makapagturo sila sa mga batang umaasa sa kanila. At kahit walang ilaw ay kanilang titiisin para lang sa mga batang gustong-gustong makapag-aral. Bilib ako sa mga guro kahit malayo sila sa kanilang pamilya ay nagtitiis silang hindi makasama ang mga ito para lang makapagtrabaho. At kahit anumang problema ang kanilang kinakaharap hindi ito hadlang para sumuko sila sa kanilang pagtuturo. Parang si Mabuti kahit anong problema ang kanyang hinaharap ay patuloy ang pagtuturo niya sa mga mag-aaral, hindi niya alintana ang suliranin na kanyang kinakaharap. Kaya lang naman nagsinungaling siya sa kanyang anak ay dahil sa ikabubuti na rin nito. At balang araw maiintindihan na rin ng anak ni Mabuti ang lahat-lahat. Yan ang mga gurong may malasakit, matiyaga at mapagmahal sa kanilang mga tungkulin kaya saludo ako sa mga gurong kagaya nila kahit gaano man kahirap at kalayo, pupunta at pupunta sila sa kanilang destino para lang makapagturo sa mga batang may pangarap sa buhay.
TumugonBurahinAndrea Joy C. Canilao (7Faith)
TumugonBurahinNapakahirap pala ang maging guro dahil kailangan mong magtiis sa mga pagsubok na iyong pagdadaanan sa larangan ng pagtuturo. Katulad ni Mabuti na ayaw nyang mabunyag ang kanyang sikreto para lamang sa kinabukasan ng kanyang anak. Pero kahit ganoon kinaya niya na gawin at isakripisyo ang lahat. Sinabi niya sa kanyang anak na patay na ang kanyang ama para hindi siya masaktan. Ang mga guro ay parang pangalawang magulang natin gagawin o isasakripisyo nila ang lahat para sa atin. Ipagmalaki natin sila na kahit magulo man tayo minsan bilang mag-aaral ay hindi sila sumusuko na turuan tayo. Ang mga guro ay parang mga bayani, ipagtatanggol nila tayo sa kahit sinumang nang-aapi sa atin. Hindi sila nagsasawang turuan tayo kahit na pagod na sa kanilang trabaho. Kagaya ni Mabuti siya ay isang mabait na guro. Inaalam ng mga guro kung may problema tayo para matulungan nila tayo sa ating mga problema. Naglilingkod sila sa ating bayan para mapatunayaan nila na hindi sila magsasawang turuan tayo. Kahit na walang bayad ang pagtuturo mo, kung gusto mo talagang makatulong gagawin mo ito ng bukal sa iyong kalooban. Magpasalamat tayo dahil sila ay masipag at matiyagang guro at maswerte tayo na tinuturuaan nila tayo para sa ating kinabukasan.